National News
House Speaker Alan Peter Cayetano, handang magbitiw sa puwesto
Handa umanong bumaba sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano kung ito ang nais ng mayorya sa Kamara.
Pahayag ito ni Cayetano kasunod ng paglutang na kudeta laban sa kaniya sa pangunguna umano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Cayetano na hindi siya magdadalawang isip na bitawan ang pwesto kung sa tingin ng mga kongresista ay wala na itong magagawa para isulong ang mga legislative agenda ng administrasyon.
Samantala, sinabi ni PDP Laban Spokersperson at Deputy Speaker Johnny Pimentel na nananatiling buo ang suporta ng partido kay Cayetano at wala silang alam hinggil sa nilulutong coup.
Handa rin aniya ang PDP laban na lumagda sa isang manifest of support upang maipakita na buo ang kanilajng suporta kay Cayetano at wala silang kaugnayan sa planong pag-alis sa kanya bilang lider ng mababang kapulungan.