Connect with us

House Speaker, “walang alam kundi ang magpamudmod ng pera”

House Speaker, "walang alam kundi ang magpamudmod ng pera"

National News

House Speaker, “walang alam kundi ang magpamudmod ng pera”

“Itong mga leader natin ngayon, katulad niyang si (House) Speaker Martin Romualdez- one-trick ponies- na ang alam lang ay magpamudmod ng pera.”

Iyan ang matapang na sinabi ng dating NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) spokesperson na si Dr. Lorraine Badoy sa totoong sitwasyon ng bansa sa ilalim ng Marcos Jr. admin.

Hindi aniya maikakaila ang pamamalakad ng abusadong gobyerno lalo na ang paraan ng pagsisilbi ni Romualdez bilang pinuno ng Kamara o House of Representatives.

Punto ni Badoy, wala naman talagang alam si Romualdez kung paano ang tamang paglilingkod sa bayan dahil batid na ng lahat ang ambisyon nitong maging presidente o di kaya’y prime minister ng bansa. “So, ‘yung mahirap kasi sa kanila, at the very start, sinabi ko na ‘yan kay Speaker noong nakita ko na gusto pala niya maging president or prime minister, simple lang, kasi nakita ko ‘yun kay President Duterte, kung meron ka palang ganyang ambisyon, simple lang sir, sabi ko, ‘magsilbi ka sa taumbayan at mamamahalin ka ng taumbayan…

…kasi nakita ko ‘yun kay PRRD na ang naging depensa niya ay ang taumbayan pero he cannot be what he’s not. He’s not a public servant. Wala siyang alam kung hindi magpamudmod ng pera katulad noong nakita niya sa tatay niya. Hindi sila marunong magsilbi sa mga Pilipino.”

 

Mapapansing present ang mukha ni Romualdez sa mga karatula tuwing may mga bigayan ng ayuda ng pamahalaan.

Kontrobersyal din ang ginawang pamumudmod ng pera gamit ang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umano’y pasimuno ang House speaker.

Sa kabila nito, sinabi ng political commentator na si Jay Sonza, mukhang walang balak tumakbo si Romualdez at Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa anumang posisyon. “Tingin ko walang balak tumakbo ito eh. Sila Romualdez? Sila Abalos? Walang balak tumakbo ‘yan kasi kung may balak kang tumakbo, lahat ng gagawin mo, ‘yung mapapamahal ka sa tao diba?

Ang kailangan mo, ‘yung mga swing votes. Liligawan mo, hindi mo aawayin. Ang tingin ko, may naghahanap-buhay dito na sa madali at matagal na kasi tingnan mo ha, how can you win 2028 elections? Si Romualdez, ‘yun ang balak niya diba? Eh, di 2028 tapos 2 taon na, mahigit na kalahating bilyon ‘yung ayuda mo daw, sa picture pero 0.08% ka pa rin (sa survey) hanggang ngayon, hindi ka nakaka-1%.”

 

 

More in National News

Latest News

To Top