National News
Huling araw ng COC at CoNa filing, dinagsa ng nais kumandidato sa 2025
Dinagsa ng mga nais kumandidato para sa midterm election sa 2025 ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) at Certificate of Nomination (CoNa).
Wala nang atrasan ayon kay SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na tatakbo sa pagka-senador matapos makapaghain ng kandidatura nitong Oktubre 8, 2024 o sa huling araw ng paghahain.
Isa si Marcoleta sa mga inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naghain din ng kaniyang kandidatura ang dating executive secretary ng administrasyong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na inendorso din ni Pangulong Duterte.
Ang senatorial aspirant at dating commissioner ng Commission on Audit na si Heidi Mendoza nais naman wakasan ang pork barrel sakaling mapagbigyan ng taumbayan.
Ilan din sa mga naghain ng kandidatura para sumabak sa senatorial race ang dating gobernador ng Catanduanes at kongresista na si Leandro Verceles.
Nag-file na rin ng kaniyang COC ang dating senador na si Kiko Pangilinan na sinamahan ng kaniyang asawa na si Sharon Cuneta.
Iba’t ibang party-list din ang naghan ng certificate of nomination and acceptance sa huling araw ng filing.
Ilan dito ay mga nagbabalik politika.
Si Atty. Arthur Yap na dating agriculture secretary ng administrasyong Arroyo ay tatakbo bilang first nominee ng Murang Kuryente Party-list.
Nagbabalik politika rin si dating Pangasinan Representative Hernani Braganza bilang first nominee ng Akyson Dapat Party-list.
Nagfile din ng CONA si House Deputy Speaker Rep. Eddie Villanueva para sa CIBAC Party-list.
Nagnanais din na makakuha ng pwesto sa house of representatives ang Arte Party-list, Kababihan Party-list, Serbisyo sa Bayan party-list, United Frontliners Party-list, at Tulungan Tayo Party-list.