Connect with us

Human rights groups, tinuligsa ni PRRD sa pagbabalewala sa mga pang-aabuso ng mga komunistang rebelde

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights groups sa pagwawalang-bahala sa mga ginagawang pang-aabuso ng mga komunistang rebelde.

National News

Human rights groups, tinuligsa ni PRRD sa pagbabalewala sa mga pang-aabuso ng mga komunistang rebelde

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights groups sa pagwawalang-bahala sa mga ginagawang pang-aabuso ng mga komunistang rebelde.

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, muling binanatan ni Pangulong Duterte ang mga rebeldeng grupo dahil sa mga kaso ng pagpatay ng mga barangay captain at iba pang local government officials (LGU), maging ng mga ordinaryong mamamayan.

Giit ng punong-ehekutibo, dapat imbestigahan din ng human rights groups ang mga karumal-dumal na mga pagpatay na ginawa ng mga komunistang terorista.

Samantala, pinuri ni Pangulong Duterte ang pagsusumikap ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagtugon sa ilang dekada nang problema ng insurhensiya sa bansa.

Tiwala ang Chief Executive na tuluyang masusupil ng gobyerno ang mga komunistang rebelde sa susunod na dalawang taon.

Matatandaan na noong December 2018 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 70, na nag-i-institutionalize o nagtatag ng isang whole-of-nation approach para makamit ang ‘inclusive and sustainable peace’, na nagbigay-daan sa pagbuo ng  NTF-ELCAC na siyang nangangasiwa sa implementasyon nito.

Ang mga banat ni Pangulong Duterte sa bigong pag-iimbestiga ng human rights groups laban sa mga teroristang komunista, ay kasunod ng patuloy na pag-aakusa ng mga ito kaugnay sa maigting na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Kaugnay nito, bagama’t aminado si Pangulong Duterte na may pangamba siya na baka muling mamamayagpag ang industriya ng iligal na droga kapag tapos na ang kanyang termino, ay tiwala naman siya na ipagpapatuloy ng pulisya at militar ang “momentum” ng anti-drugs campaign.

Muli namang pinaalalahanan ng punong ehekutibo ang mga pulis na iwasang masangkot sa mga kalakalan ng ilegal na droga.

“Kaya kung kayong mga pulis kung talagang mahal ninyo ang bayan, stay away from drugs, the temptation of money. I said it’s very corrosive to the values of a human being, the lure of money. Iwasan ninyo yan and magpakatotoo kayo mahalin ninyo ang bayan,” ani Pang. Duterte.

Gayunpaman, nagpahayag din ng kumpiyansa si Pangulong Duterte na gagawin ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng makakaya para tuluyang masupil ang iligal na droga.

“Well, I trust that the next administration will also do its very best to confront itong drugs,” dagdag pa ng punong ehekutibo.

Hinikayat din ng pangulo ang mga miyembro ng pambansang pulisya na magsilbi nang tapat sa bansa at sa mga Pilipino, sinuman ang maupong lider ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top