Connect with us

Human trafficking, iba’t ibang uri ng scam sa loob ng Multinational Village, pinaiimbestigahan sa Senado

Human trafficking, iba't ibang uri ng scam sa loob ng Multinational Village, pinaiimbestigahan sa Senado

National News

Human trafficking, iba’t ibang uri ng scam sa loob ng Multinational Village, pinaiimbestigahan sa Senado

Nais paimbestigahan ngayon sa Senado ang human trafficking at mga online scamming activities na sinasabing nangyayari at nagmumula sa loob mismo ng Multinational Village sa Parañaque.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, nakatanggap ang kanyang opisina ng sulat na may petsang Mayo 8, 2024, mula sa isang grupo ng homeowners sa Multinational Village.

Nakasulat dito na umaapela ang homeowners sa mga otoridad para sa kanilang seguridad. Humihiling din sila na magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa anila’y lumalaking populasyon ng mga kahina-hinalang dayuhan sa kanilang lugar.

Kaduda-duda raw kasi ang lugar sa loob ng naturang subdibisyon na tinatawag na “City Garden”, isang enclave na eksklusibong pinupuntahan at tinitirhan ng mga dayuhan, kung saan hindi bababa sa 50 dayuhan ang nagsisiksikan sa loob ng mga inuupahang unit ng pabahay dito.

Dahil sa nakababahalang sitwasyon ay inihain ni Gatchalian ang Proposed Senate Resolution No. 1032.

Sinabi ng senador na kailangang matukoy ang lapses o mga pagkukulang, gayundin ang mga butas sa mga proseso ng gobyerno at pambansang seguridad na humantong sa pagtaas ng bilang ng krimen na kadalasang kinasasangkutan ng mga dayuhan.

Kamakailan lang ay sinalakay ang isang bahay sa 18 Tejeran Street sa loob ng subdibisyon at nahuli ang 10 Chinese nationals na umano’y nagsasagawa ng mga aktibidad ng pang-iiscam. Arestado rin ang isang bodyguard na Pinoy dahil sa kanyang undocumented .45 caliber pistol.

Ang mga naarestong dayuhan ay hinihinalang mga pugante mula sa naunang ni-raid na POGO compound sa Bamban, Tarlac noong nakaraang Marso. Isinagawa ang nasabing raid dahil sa umano’y paglabag ng kumpanya sa Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; RA 562, kilala rin bilang Alien Registration Act of 1950; at RA 10175, na kilala rin bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.

More in National News

Latest News

To Top