International News
Humanitarian aid papuntang Gaza, hinarang muli ng Israel
Hinarang ng Israel ang lahat ng humanitarian aid na papuntang Gaza simula noong Marso 2, 2025.
Kasunod ito ng pagtatapos ng Phase 1 ng Gaza War ceasefire agreement.
Sa kasalukuyan, tinatrabaho pa ang Phase 2 ng naturang kasunduan.
Sa hiwalay na pahayag ng Israel, iginiit nilang hindi sila papayag na magpatuloy ang ceasefire kung hindi palalayain ng Hamas militant group ng Palestine ang natitirang Israeli hostages.
Suportado rin ng Estados Unidos ang hakbang ng Israel sa paghaharang ng tulong, dahil anila, tila hindi interesado ang Hamas na ipagpatuloy ang ceasefire.
