Connect with us

Hustisya para sa anak ng OFW na ginahasa at pinaslang, tiniyak ng OWWA

Hustisya para sa anak ng OFW na ginahasa at pinaslang, tiniyak ng OWWA

National News

Hustisya para sa anak ng OFW na ginahasa at pinaslang, tiniyak ng OWWA

Nangako ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gagawin nila ang lahat ng pagsisikap para mabigyan ng hustiya ang anak ng OFW na ginahasa at pinatay.

Kinilala ng OWWA ang biktima na si Marjorie Joy R. Infante, 15 taong gulang, Grade 10 student.

No description available.

Si Marjorie ang pinakabata sa 4 na magkakapatid.

Ayon sa SOCO, ang biktima ay pinatay at ginahasa noong Oktubre 28, 2022.

Ipinaabot ng SOCO sa pamilya na ang biktima ay ginahasa, binugbog at sinakal at iniwang patay sa kalsada.

Si Marjorie ay umalis sa kanilang bahay nang 6:30 PM para bumili ng pagkain sa nasabing petsa.

Pagsapit ng dakong 9:30 ng gabi ng araw ding iyon. Natagpuang patay at inabandona sa kalsada ng Sapang Balen ang biktima.

Nangyari ang insidente sa bata habang ang ina nito na si Margie Gamba Rivera ay nagtatrabaho bilang domestic helper sa Qatar.

Ang OFW na si Margie Gamba Rivera ay umalis patungong Doha noong Marso 12, 2022 upang magtrabaho sa Qatar bilang domestic worker.

Kahapon dumating ang nasabing OFW sa Clark International Airport.

Personal na sinalubong ng OWWA RWO 3-Regional Director Atty. Falconi V. Millar ang OFW kasama si PSD Head Lito David sa Paliparan.

Nakausap na ni RD Millar sina Margie Rivera at NOK Manuel Infante. Nangako siya na ang OWWA Region 3 sa ilalim ng tagubilin ni Admin Arnel Ignacio ay magpapaabot ng lahat ng posibleng tulong kabilang ang legal assistance, financial  assistance at livelihood.

Nangako si OWWA Administrator Arnel Ignacio sa OFW na gagawin nila ang lahat ng pagsisikap para mabigyan ng hustisya at makulong ang salarin .

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang OWWA Region 3 sa local police para sa anumang update sa kasong rape-murder.

More in National News

Latest News

To Top