Metro News
“Huwag iboto ang kandidatong gumagamit ng wang-wang at blinker sa pangangampanya”-PNP-HPG
Nanawagan sa publiko ang PNP Highway Patrol Group na huwag iboto ang mga kandidatong gumagamit ng wang-wang at blinker sa pangangampanya.
Ayon kay PNP-HPG Director Chief Superintendent Roberto Fajardo, sa oras na makita nilang may wang-wang ang sasakyan ng kandidato ay agad nila itong babaklasin.
Kung pumalag o hindi pumayag ay kanilang iimpound ang sasakyan.
Nagbabala rin si Fajardo sa mga pulis na magmu-moonlighting at ilegal na mag-eescort sa VIP na kanila itong sisibakin at sasampahan ng kaso.
Kahapon nang ipag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang crackdown laban sa mga kandidato na gumagamit ng sirena o wang-wang at blinker.
DZARNews