Connect with us

Huwag maging alipin ng salapi para sa Cha-cha – anti-communist group

Huwag maging alipin ng salapi.Panawagan ito ni Yakap ng Magulang Movement President Relissa Lucena sa mga magulang sa bansa.

National News

Huwag maging alipin ng salapi para sa Cha-cha – anti-communist group

Huwag maging alipin ng salapi.

Panawagan ito ni Yakap ng Magulang Movement President Relissa Lucena sa mga magulang sa bansa.

Ito’y kaugnay sa umiikot na People’s Initiative campaign para isulong ang Charter Change o ang pagbabago ng Saligang Batas.

Sinabi ni Lucena na isang panloloko ang ginagawa ng mga taong nasa likod ng pangangalap ng lagda kung hindi naman naipapaliwanag ng maayos.

Naniniwala ang grupo na hindi lang ang kasalukuyang henerasyon ang mapapahamak rito kundi maging ang mga susunod pang henerasyon.

Ang Yakap ng Magulang Movement ay isang samahan ng mga magulang sa bansa na lumalaban at tumutuligsa sa mga propaganda ng CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top