Connect with us

Hyunjin ng Stray Kids, nagbigay donasyon sa ospital sa Seoul

Hyunjin ng Stray Kids, nagbigay donasyon sa ospital sa Seoul

Showbiz

Hyunjin ng Stray Kids, nagbigay donasyon sa ospital sa Seoul

Nagbigay ng donasyon sa Samsung Seoul Hospital ang Stray Kids member na si Hyunjin noong March 20, 2025.

Nagkakahalaga ng 100-M Korean won o $68,100 ang donasyong ito bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang ng ika-25 na kaarawan at pasasalamat sa pagmamahal ng kanyang fans.

Gagamitin ang donasyon upang tustusan ang gastusing medikal ng mga batang pasyente at suportahan ang kanilang mental health programs.

Noong 2023, nagbigay rin siya ng donasyon sa The Promise, isang international relief organization na tumulong sa Türkiye at Syria.

Samantala, noong 2024, sumuporta siya sa The Snail of Love, isang organisasyong tumutulong sa mga may kapansanan sa pandinig.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top