National News
IATF, ipinanukalang sa Setyembre pa ang pagbubukas ng klase
Ipinanukala ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases na maaaring sa buwan pa ng Setyembre muling payagang magbukas ang klase.
Ito ay upang hindi na tuluyang tumaas pa ang bilang ng mga nahawaan ng
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat ng paaralan ay magbubukas sa Setyembre maliban lamang sa mga magsasagawa ng online learning.
Matatandaang, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na sa buwan pa ng Agosto ang pagbubukas ng klase.
Dagdag pa ni Briones, maaari pa rin namang matatapos ang klase sa Marso sa susunod na buwan kung magsasagaw ng klase tuwing Sabado.
Kaugnay nito, tinitingnan ng Department of Education ang pagsasagawa ng klase sa pamamagitan ng radyo o television.
Kung saka-sakaling magbukas na ang klase, nasa 20 estudyante kada classroom lamang ang papayagan upang maobserbahan ang social distancing.