Connect with us

Iba pang dawit sa data breach ng Smartmatic, inilahad ng dating empleyado

Iba pang dawit sa data breach ng Smartmatic, inilahad ng dating empleyado

National News

Iba pang dawit sa data breach ng Smartmatic, inilahad ng dating empleyado

Nakapagbigay na ng sworn affidavit ang dating empleyado ng Smartmatic na naglabas ng laptop ng software provider na naging dahilan para diumano magkaroon ng data breach.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, may bagong development sa kanilang isinasagawang pagdinig patungkol sa Smartmatic – ang software contractor ng COMELEC para sa 2022 Elections.

Sa Affidavit ng empleyado ay nakapagbigay ng iba pang pangalan na dawit sa data breach.

Maging ang petsa at lugar kung saan nangyari ang breach ay naisulat na nito.

Ayon kay Sotto ang mga naturang impormasyon ay importante sa ginagawang pagdinig ng mga otoridad partikular ng NBI.

Sa ngayon ayon kay sotto nasa kostudiya ng nbi ang naturang empleyado.

More in National News

Latest News

To Top