Connect with us

Iba pang dayuhan na posibleng sangkot sa 1.4 toneladang shabu sa Batangas, ‘di pa nakakalabas ng bansa – PNP PIO

Iba pang dayuhan na posibleng sangkot sa 1.4 toneladang shabu sa Batangas, 'di pa nakakalabas ng bansa – PNP PIO

National News

Iba pang dayuhan na posibleng sangkot sa 1.4 toneladang shabu sa Batangas, ‘di pa nakakalabas ng bansa – PNP PIO

Hindi lang isa ang pinaghahanap ngayon na posibleng may kinalaman sa malaking bulto ng shabu na nasabat noon sa Alitagtag, Batangas.

Bukod sa drayber na si Al Michael Zarate, may mga nakuha ring impormasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa posibleng partisipasyon ng ilang dayuhan sa nasabing iligal na droga.

Kaya namam nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Bureau of Immigration (BI) para sa mabilis na pagtunton sa mga ito.

Ngunit, gaya ng naunang pahayag ng PNP, hindi muna nila ito ilalabas sa gitna ng kanilang ginagawang imbestigasyon at operasyon.

“Nakipag-ugnayan na tayo sa BID at iba pang ahensiya ng gobyerno. But I cannot give specifics for now but suffice to say now na ang lahat ng ito ay binabantayan,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Nang tanungin kung nasa Pilipinas pa ang mga binabantayang dayuhan, malaki pa rin naman ang kanilang paniniwala na hindi pa nakalalabas ng bansa ang mga ito.

“Kung ang tanong niyo kung nakalabas na ito sa mga posibleng POI’s, so far, ay walang indication na sila ay nakalabas,” dagdag pa nito.

Samantala, nasa 4 pang lugar ang posibleng puntahan ng mga otoridad dahil puwede itong makapagbigay-linaw sa mga dinaanan ng droga bago ito nasakote sa checkpoint ng mga pulis.

Tiniyak ng PNP na hindi lang sila ang gumagawa ng paraan para mapanagot ang mga nasa likod ng Batangas drug haul.

“Mayroon pa silang bini-build up na mga kaso at possible na puntahan ng mga areas at kino-collate lang. May mga nakuha tayong mga inforation na galing doon sa mga nagkaroon ng engagement doon sa mga POI’s natin at base doon sa mga information na nakukuha natin ay ‘yun ang ginagamit nating lead para i-pursue itong investigation at we are closely coordinating sa prosecutor on case pursuant doon sa DOJ circular 20 na katuwang natin ang prosecutor pagdating sa case build up,” ani Fajardo.

Sa kabilang banda, kwestiyunable para sa isang political commentator na si Jay Sonza ang tila special treatment na ibinibigay sa driver-suspect ng Batangas drug haul.

Ang tinutukoy ni Sonza ay ang hindi pagdeklara sa pangalan ni Zarate sa mug shot nito na wala naman aniyang kaibahan sa ibang indibidwal na inaaresto ng pulisya.

Giit ni Sonza, bakit naman aniya kailangang itago pa ang pagkatao ng suspek?

“Ano bang pinakatatago nito, number 1 sinasabi ni Mr. Abalos na siya (Al Michael Zarate) ay naka-detain daw sa Batangas Police pero wala namang pruweba na ipinapakita na siya ay naka-detine. Unang una doon palang sa mug shot, ako dumaan akon sa mug shot, dumaan ng mug shot sina Trillanes, dumaan lahat halos, pero nandoon ‘yung pangalan nandoon lahat. Pero itong espesyal na suspect sa 13-B na naging 9-B na naging almost 2 tons na naging 1.4 na di nga maintindihan kung anong number ang gagamitin nila,” pahayag naman ni Political Commentator, Mr. Jay Sonza.

More in National News

Latest News

To Top