National News
ICC prosecutor, kinumpirmang tuloy ang imbestigasyon sa Pilipinas sa kabila ng pagkalas ng bansa sa Rome Statute
Tiniyak ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na magpapatuloy ang imbestigasyon sa sitwasyon sa Pilipinas sa kabila ng pagkalas ng bansa sa Rome Statute.
Sinabi ni Bensouda na batay sa article 127.2 ng Statute at sa desisyon ng I.C.C sa sitwasyon sa Burundi, nananatili ang hurisdiksyon ng korte sa mga nangyaring krimen noong state party pa ang nasabing bansa ng Tribunal kahit epektibo na ang pagkalas sa International Tribunal.
Dahil aniya rito ay magpapatuloy ang independent at impartial preliminary examination ng kanyang tanggapan sa sitwasyon sa Pilipinas.
Naging epektibo noong Linggo, Marso a-disi siyete ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC, isang taon matapos abisuhan ng bansa ang United Nations ng kanilang intensyon na umalis sa International Tribunal.
Samantala, aarangkada na ngayong umaga ang pagdinig ng Senado sa krisis sa tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang karatig lalawigan.