National News
ICC, walang basehan para ikulong si FPRRD — Mambabatas
Dapat nang palayain mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil isa na itong pribadong mamamayan.
Ayon ito kay SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta.
Tugon ito sa pahayag ng mga taga-usig ng ICC na tila patuloy na may malaking impluwensya sa Pilipinas si FPRRD.
Paliwanag ni Marcoleta, maaaring nananatiling popular si FPRRD, ngunit hindi na ito pangulo ng bansa at hindi maaaring sabihing dahil lamang sa kanyang kasikatan ay kailangang arestuhin at i-detain siya roon.
