Connect with us

Ika-4 na batch na mga Pinoy repatriates mula Gaza, nakatakdang dumating sa bansa

Ika-4 na batch na mga Pinoy repatriates mula Gaza, nakatakdang dumating sa bansa

National News

Ika-4 na batch na mga Pinoy repatriates mula Gaza, nakatakdang dumating sa bansa

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakdang dumating ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre ang ika-4 na batch na mga Filipino repatriates at mga asawa nitong Palestino mula Gaza.

Sakay ng Qatar Airways Flight QR 932 at inaasahang lalapag sa NAIA Terminal-3 pasado alas 4 ng hapon ngayong Miyerkules.

Ang mga naturang repatriates ay binubuo ng 13 Filipino national kasama na rito ang 7 mga minors at 6 na Palestinian national.

Sa kabuuan, nasa 19 indibidwal ang inaasahang darating ngayong araw ng Miyerkules mula Gaza.

Ayon sa DFA, nasa kabuuang 102 Filipino ang naiuwi na sa bansa mula Gaza simula pa noong Nobyembre 7.

More in National News

Latest News

To Top