Connect with us

Ikalawang ‘miting de avance’ ng UniTeam sa Mindanao, inaasahang dudumugin

Ikalawang ‘miting de avance’ ng UniTeam sa Mindanao, inaasahang dudumugin

National News

Ikalawang ‘miting de avance’ ng UniTeam sa Mindanao, inaasahang dudumugin

Matinding paghahanda ang ginagawa sa ilang oras bago ang pormal na pagsisimula ng ‘miting de avance’ ng UniTeam na pangungunahan ng frontrunner na si Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ito ay upang matiyak na magiging maayos, ligtas at matagumpay ang ikalawang miting de avance ng UniTeam sa Mindanao.

Gaganapin ang miting de avance ng UniTeam sa City Hall grounds sa Tagum City, Davao del Norte.

Habang inaasahan naman ang pagdagsa ng mga taga-suporta mula sa Davao City, Panabo, Carmen na solid Duterte.

Ito ay upang ibuhos ang kanilang suporta para sa dalawang nangungunang kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente.

Kasabay niyan, nakatalaga rin ang UniTeam security at iba pang tauhan ng pulisya upang masiguro na walang mangyayaring aksidente kung saan nakaantabay din ang medical booth para sa kaligtasan ng bawat indibidwal.

Samantala, iba’t ibang kilalang personalidad ang dadalo sa kaganapan ng UniTeam, kabilang na rito sina Andrew E, Toni Gonzaga, Karla Estrada, Ai-ai Delas Alas, Bayani Agbayani at ilang sikat na banda.

Kumpleto rin ang UniTeam senators nina Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte.

Umaga pa lang ay magkakaroon na ng festival habang alas singko ng hapon ay susundan ito ng pormal na programa ng UniTeam.

Bagama’t ibang partido ang inindorso ng alkalde ng Tagum City ay nakasisiguro naman ang UniTeam na buong puso silang pakikinggan ng mga tagasuporta na siniguro na ipagpatuloy at dagdagan pa ng UniTeam ang mga programang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

More in National News

Latest News

To Top