National News
Ikatlong batch ng Pinoy repatriates mula Lebanon, dumating na sa Pilipinas
Dumating na sa Pilipinas ang ikatlong batch na mga Pilipino mula Lebanon.
Ang naturang repatriates lulan sa Qatar Airways Flight QR928 ay binubuo ng 9 na overseas Filipino workers (OFW).
Lumapag ang kanilang sinakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas 10 ng gabi nitong Miyerkules, November 8.
Ang pagbabalik ng mga OFW ay dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah, isang militanteng grupong nakabase sa Lebanon na nakiisa sa Hamas.
Nasa kabuuang 19 na mga OFW na ang nakabalik sa Pilipinas mula sa Lebanon.
