National News
Ilan pang miyembro ng first family, sumailalim sa COVID-19 test
Sumailalim na rin sa pagsusuri para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang common-law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at anak nitong si Kitty.
Ito ang kinumpirma ni Former Presidential Aide Senador Bong Go.
Sinabi ni Go na sa ngayon ay wala pang resulta ang pagsusuri ng 2.
Matatandaang una nang nagpatest para sa COVID-19 si Pang. Duterte at Go na pawang nagnegatibo sa sakit.
Maging si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagnegatibo rin sa COVID-19.
Samantala, itinuturing naman na person under monitoring (pum) si Presidential Son Davao City Vice Mayor Baste Duterte matapos magpakita ng mga sintomas ng COVID-19.
Ayon sa kapatid nitong si Sara, mayroong lagnat, ubo at sore throat ang bise alkalde at kasalukuyan ng naka-home quarantine.
Si Baste ay may travel history sa Metro Manila, 4 na linggo na ang nakararaan.
Sinabi ni Mayor Sara na hindi mag-a-avail si Baste ng COVID-19 test dahil sa limitadong suplay ng testing kits.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ang lagay ng bise-alkelde.