National News
Ilang Airlines, handa na sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Eleksyon 2025
Habang papalapit ang national at local elections sa May 12, puspusan na ang paghahanda ng ilang Airlines kabilang na ang AirAsia Philippines para tugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanilang mga probinsya para bumoto.
Sa inaasahang pagtaas ng airport activity, naka-full standby na ang kanilang Ground Operations at Customer Happiness teams sa lahat ng pangunahing paliparan sa Manila, Cebu, Aklan, Tacloban, Palawan, at Iloilo para masiguro ang maayos na biyahe at agarang serbisyo para sa mga pasahero.
Pinapayuhan ang lahat ng biyahero na maging handa ngayong Eleksyon 2025 sa pamamagitan ng pagdating sa airport nang hindi bababa sa 2 oras bago ang domestic flight at 3 oras naman para sa international flight para maiwasan ang abala dulot ng posibleng mahabang pila.
Samantala, magandang balita rin para sa mga pasahero ngayong buwan mananatiling stable ang pamasahe, dahil nasa Level 4 pa rin ang fuel surcharge ayon sa Civil Aeronautics Board.
Nagpaalala naman ang naturang airline na magplano nang maaga, i-monitor ang flight schedules, at siguraduhing makarating sa presinto sa tamang oras para makibahagi sa eleksyon.
