Regional
Ilang bahagi ng Cebu, apektado ng fish kill dulot ng mahinang el niño
Bukod sa mga napinsalang pananim ay apektado rin ng fish kill ang ilang bahagi ng lalawigan ng Cebu dulot ng mahinang el niño.
Batay sa ulat ng Provincial Agriculturist Office, halos 30-ektarya ng mga pananim ang nasira dahil sa tagtuyot habang tumaas ang mga kaso ng fish kills.
Ayon kay Provincial Agriculturist Roldan Saragena, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga munisipalidad ng
- Argao,
- Badian,
- Balamban,
- Dumanjug,
- Oslob,
- Sibonga at
- Alcantara maging ang mga lungsod ng Mandaue at Carcar sa Cebu.
Sinabi ni Saragena na ang dumanjug ang nakapagtala ng pinakamalaking pinsala sa mga pananim.
Dahil din sa mahinang el niño ay nasa 42,200 na piraso ng tilapia at 4,000 na piraso ng bangus sa Carcar City ang nasawi.
Habang 6,000 kilo ng seaweeds at 300 kilo ng talaba ang napinsala dahil sa mainit na panahon.
Naiulat din ang fish kills sa Barangay Jagobiao, Mandaue City at bayan ng Alcantara.