Metro News
Ilang bahagi ng Las Piñas, Paranaque, Muntinlupa at Cavite, nakararanas ng emergency water interruption hanggang May 14
Nakararanas ng emergency water interruption ang ilang bahagi ng mga lungsod ng Las Piñas, Paranaque, Muntinlupa at Cavite hanggang sa Mayo 14.
Ito ay dahil binawasan ang water production bunsod ng hindi pang-karaniwang lumot sa Laguna Lake.
Mararanasan ng Barangay Almanza Dos sa Las Piñas maging ng barangay Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa ang kawalan ng suplay ng tubig, simula kaninang alas 3:00 ng madaling araw hanggang ala 1:00 ng madaling araw sa May 14.
Makararanas din ng water interruption ang mga barangay ng Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at tunasan simula mamayang alas-7:00 ng gabi hanggang alas 2:00 ng hapon sa Mayo 14.
Apektado rin ng kawalan ng suplay ng tubig, simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw hanggang ala 1:00 ng madaling araw sa May 14 ang mga barangay ng Almanza Uno, Pamplona Uno hanggang Pamplona Tres, Pilar, Pulanglupa Dos, Talon Uno hanggang Talon Singko sa Las Piñas.
Gayundin ang Barangay BF Homes sa Parañaque maging ang mga barangay ng Alabang at Ayala Alabang sa Muntinlupa.
Nakararanas din ng emergency water interruption, simula kaninang umaga ang ilang bahagi ng Bacoor at Imus City sa Cavite.