COVID-19 UPDATES
Ilang brgy. sa QC, ipinapatupad na ang extreme enhanced community quarantine
Itinaas sa heightened enhanced community quarantine ang barangay kalusugan at Tandang Sora sa Quezon City kasunod ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) doon.
Ito ay matapos makapagtala ng 3 biktima na nagpositibo sa virus.
Ang pagpapatupad ng heightened community quarantine ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang striktong pagpapatupad sa enhanced community quarantine kung may 2 biktima sa isang barangay.
Sa press briefing, sinabi ni Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Chief Mike Marasigan na lahat ng mga residente sa barangay ay hindi na pwedeng lumabas.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Quezon City ng 29 na nagpositibo sa virus, 3 nakarekober at 1 ang nasawi.