Connect with us

Ilang gulay at oil price hike, dahilan ng taas presyo – DA

Ilang gulay at oil price hike, dahilan ng taas presyo – DA

National News

Ilang gulay at oil price hike, dahilan ng taas presyo – DA

Malaking pasanin para sa mga ordinaryong konsyumer ang walang humpay na taas presyo ng ilang pangunahing bilihin sa merkado.

Ang gulay kasi na karaniwang takbuhan o murang opsyon nating mga Pinoy lalo’t kapag kakarampot lang ang ating budget ay malaki na ang itinaas ngayon.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa pagitan ng P10 – P60 ang itinaas sa kada kilo ng mga lowland at highland vegetables.

Ayon sa tindera na si Maria Arcega, “Napaka-mahal, tataas pa raw to bukas. Tuwing araw-araw tumataas ito (jump). Ayaw na nilang bumagsak eh kasi wala na silang makuhaan sa probinsya. Sa palaran na lang ‘yan, matalo o manalo para kaming nagsusugal (jump). Sugal nga lang ang pagtitinda namin.”

Diskarte raw ang kailangan ayon sa ilang mamimili para lang mapagkasya ang budget sa pamimili.

Si Kuya Ariel at Aling Neli, mas piniling mamili ng tumpok na gulay “Mas mura kasi siya compare sa loob na per kilo (jump). Mahirap budgetin dahil marami na ang mahal lalo na sa karne. Hanap ka nalang ng gulay na in season na abundant kasi mas mura ‘yun (jump). Gulay lang talaga nasa P500 ‘yan a week (jump). Now kaunti nalang before na medyo okay.”

Hindi napigilang kuwestyunin ng iba pang tindera ang administrasyong Marcos dahil mula nang maupo siya nagmahal na ang lahat ng bagay maliban sa sahod.

Giit ng mga ito, hindi nila ramdam ang ginagawang aksyon ng gobyerno dahil mas lalong ibinaon sila sa hirap dahil sa mahal ng bilihin, “May naramdaman po ba kayo? Wala pa simula ng maupo ay wala pa akong naramdaman. Sa totoo lang, nagsasabi lang ng totoo diba. Mas maganda pa nga ‘yung Duterte dati eh diba.”

Ibat ibang factors ang nakikitang dahilan ng DA sa pagsirit sa presyo ng ilang gulay sa merkado.

Sinabi ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa na kabilang ang pabago-bagong panahon kung saan nade-delay daw ang pagtatanim habang tinamaan naman ng nagdaang bagyo ang ilang taniman, “Pagmalayo ‘yung pinanggagalingan kagaya ng Benguet, Baguio o Southern Tagalog may additional expensed kapag mahal ang diesel ang lalaki ng increases. ‘Yung mga presyong mataas they are very temporary at kapag bumalik ulit ‘yung malaking harvest ay bababa ulit ‘yan.”

More in National News

Latest News

To Top