Connect with us

Ilang herbal products, tumaas ang demand dahil sa COVID-19

Ilang herbal products, tumaas ang demand dahil sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Ilang herbal products, tumaas ang demand dahil sa COVID-19

Dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na tumaas ang bilang ng mga tumatangkilik sa mga organikong gamot o herbal.

Ayon sa kalihim, ang mga produkto na tulad ng virgin coconut oil at moringga ang dalawang pangunahing mabili ngayon na herbal products sa merkado.

Magugunita na pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan katuwang ang National University of Singapore ang virgin coconut oil sa posibleng kakayahan nito sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na maraming health benefits ang nakukuha mula rito

Samantala, DTI pinayuhan ang publiko na huwag magpanic-buying sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na huwag mag-panic buying sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, hindi kailangang mag-hoard ng mga produkto lalo na ang alcohol at tissue paper dahil napakaraming stocks nito at marami rin aniyang mga manufacturer at raw materials.

Payo ng kalihim sa publiko, mamili lamang ng stocks na kailangan sa loob ng isang linggo o pinakamatagal na ang isang buwan.

Sinabi rin ni Sec. Lopez na pinayuhan na nila ang mga supermarket na limitahan ang pag-display ng mga produkto para hindi mag-hoard ang mga mamimili.

Sa ngayon ay nagpapatupad na ang DTI ng price freeze sa mga pangunahing bilihin kasunod ng pagdedeklara ni Pang. Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency sa bansa.

Sinabi ng DTI na sa loob ng 60 araw ay hindi dapat gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top