Connect with us

Ilang influencers, nagkaroon ng charity works

ilang-influencers-nagkaroon-ng-charity-works

Showbiz

Ilang influencers, nagkaroon ng charity works

Ibinahagi ng actress na si Bela Padilla na friendly sa karamihan ang kanyang inilunsad na makeup brand nitong Setyembre 9, 2024.

Pinaka-target aniya dito ang mga indibidwal na may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) gaya niya.

Ani Padilla, dahil nga sa PCOS ay madalas syang nagkakaroon ng acne kung kaya’t ganito rin sya ka maingat pagdating sa kanyang inilunsad na makeup brand na “Bela”.

Maliban sa PCOS warriors gaya nya, friendly rin ang kanyang makeup brand sa mga kabataan, pregnant women, at may skin concerns.

Sa kabilang banda, dahil  Blood Cancer Awareness Month sa Australia ang Setyembre, sa isang post ng Filipino-Aussie social media influencers na The Blackman Family, nakikiisa ito sa paglikom ng pondo para sa Arrow Bone Marrow Foundation.

Anila, ang lahat na maiipon na pondo mula sa “Paint The Town in Red” movement ay gagamitin bilang tulong para sa mga pasyente sa Australia na kailangan ng bone marrow transplant.

Kaya sa lahat ng mga Pinoy na nasa Australia, huwag mahiyang makiisa dito.

Samantala, sa South Korea, inilunsad ng Shiny Foundation ang isang pysochological counseling service.

Partikular na hinihikayat ng “Youth Meet Up” iniative ang professionals na nagtatrabaho sa music, dance, acting, performing arts, media, at literature industry.

Naniniwala ang Shiny Foundation na sa pamamagitan ng nabanggit na iniative ay matutugunan ang depresyon ng mga indibidwal na madalas nakatatanggap ng sobra-sobrang pressure o bullying.

Ang Shiny Foundation ay itinayo ng pamilya sa tulong ng supporters ni Jonghyun ng K-Pop boy group na SHINee na pumanaw na noong Disyembre 18, 2017 dahil sa depresyon.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top