Connect with us

Ilang kalsada sa Maynila, pansamantalang isasara sa linggo para sa running event

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila sa linggo, Hunyo 19. Ito ay para bigyan-daan ang isasagawang rock ‘n’ roll running series marathon.

National News

Ilang kalsada sa Maynila, pansamantalang isasara sa linggo para sa running event

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila sa linggo, Hunyo 19.

Ito ay para bigyan-daan ang isasagawang rock ‘n’ roll running series marathon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang mga sumusunod:

–              Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue

–              Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive

–              Katigbak Drive at South Drive

–              Independence Rd.

–              P. Burgos Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge

–              Ma. Orosa St. mula P. Burgos hanggang Kalaw

–              Finance Rd. mula P. Burgos avenue hanggang Taft Avenue

–              Northbound Lane of Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue

–              Muralla St. mula STA. LUCIA ST. hanggang Real St.

–              Real St. mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St.

–              Sta. LUCIA st. Mula Real St. hanggang Muralla St.

–              Quintin Paredes St. mula Jones Bridge to Ongpin St.

Ayon sa MMDA, isasara ang mga naturang kalsada mula alas 3 ng madaling araw hanggang alas 9 ng umaga sa linggo at mula alas 3 ng hapon onwards.

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatobong ruta na makikita sa kanilang Facebook page.

Sinabi rin ng ahensya na ang aktwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabatay sa aktwal na sitwasyon ng trapiko.

More in National News

Latest News

To Top