National News
Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng oil price rollback simula bukas
Magpapatupad ng oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, araw ng martes.
Sa abiso ng kumpanyang Shell at Sea Oil, nasa 55 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.
Piso at 15 sentimos naman ang ibabawas sa kada litro ng kanilang diesel habang 60 sentimos sa kada litro ng kerosene.
Pawang epektibo ang oil price adjustment, alas sais ng umaga bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang oil price rollback.
