Connect with us

Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng roll-back

Mga kumpanya ng langis, magpatutupad ng mas malaking rollback sa presyo ng petrolyo

Metro News

Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng roll-back

Magandang balita para sa mga motorista, muling magpapatupad ng malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, Marso 3.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, Petro Gazz at Seaoil, P1.40 ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina habang P1.60 sa diesel.

Habang may bawas-presyo rin ang Shell sa kanilang Kerosene na aabot sa P1.65 kada litro.

Epektibo naman ang naturang rollback eksaktong 6:00 am bukas.

Una namang nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo ang Clean Fuel kahapon.

Inaasahan namang mag-aanunsyo rin ngayong araw ang iba pang kumpanya ng langis sa kanilang oil price adjustment.

More in Metro News

Latest News

To Top