Metro News
Ilang kumpanya ng langis, may taas presyo simula bukas
Matapos ang sunud-sunod na linggong rollback, oil price hike naman ang aasahan ng mga motorista simula bukas, araw ng Martes.
Sa abiso ng kumpanyang Shell at Sea Oil, madadagdagan ng P0.30 ang presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.
Habang P0.20 naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene.
May kaparehong taas-presyo rin sa gasolina at diesel ang kumpanyang Petro Gazz, Phoenix Petroleum at Cleanfuel.
Pawang epektibo ang oil price hike ng alas 6:00 ng umaga bukas, Pebrero 25 maliban sa Cleanfuel na huling magpapatupad sa Pebrero 26, alas 12:01 ng hating gabi.