Connect with us

Ilang local celebrities, nagpakain sa mga front liners sa paglaban sa COVID-19

Showbiz

Ilang local celebrities, nagpakain sa mga front liners sa paglaban sa COVID-19

Ilang local celebrities ang nagpaabot ng kanilang simpleng tulong para sa mga frontliners gaya ng mga health workers, medical staff, AFP at PNP personnel.

Pinuri ng front man ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang asawang si Neri Naig dahil sa pagpapakita ng magandang loob para sa mga health workers.

Sa instagram post ni Neri, makikita na naghanda ito ng 800 rolls na Spanish bread at 800 na sachets ng kape para sa lahat ng mga manggagawa ng Tagaytay Medical Center.

View this post on Instagram

Habang nagbabalot ang iba kong staff para sa food allowance nila, eto sinend nilang photo. Community quarantine na ang Tagaytay. At habang naghihintay ng announcement sa Alfonso at Laurel, minabuti na namin na isarado po ang lahat ng aming stores para sa safety ng aming staff. Maraming salamat sa inyo! Katatapos lang ng Taal na halos 3 linggo kaming sarado. Ngayon, eto naman. Hindi namin alam kung kailan magiging ok ulit. Nagpasya na lang kaming mag asawa na magbigay ng food allowance sa pamilya ng mga staff namin hangga't maging maayos ang lahat. Sa lahat ng mga negosyante na namumublema kung paano ang mga nakasarang stores, isipin na lang natin na makakabawi tayo. Masipag naman tayo di ba? Ang mahalaga ay ligtas tayo, ang staff natin, at ang mga pamilya natin. Makakabawi at makakabangon tayo. At wag kalimutang magbahagi ng kung ano ang kaya. Let us all spread kindness. Please be safe everyone! Mamirmi muna sa bahay. Magbasa ng libro. Manood ng Netflix. Bonding time with your family. Let us appreciate na nasa bahay tayo at healthy. ❤

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Samantala, ang komedyante at aktres na si Pokwang ay naghanda naman ng tuna sandwich para sa mga sundalo, pulis, doktor at nurses.

Anila, sa simpleng paraan na ito ay mapangiti man lang nila ang mga health workers sa kabila nang nararamdaman nilang pagod, puyat at pangamba laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Umani naman ng papuri ang ginawa ng 2 para sa lahat ng mga frontliners katuwang ang gobyerno upang labanan ang krisis sa COVID-19 na kinakaharap hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

More in Showbiz

Latest News

To Top