National News
Ilang magsasaka, nagtapos sa Farm Business School ng DAR
Nagtapos na sa kanilang agri-entreprenuer ang ilang agrarian reform beneficiaries ng South Cotabato.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), nasa 38 na mga benipisyaryo ang nagtapos sa Farm Business School ng ahensya.
Layunin nito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa pag-agrikultura at pagnenegosyo.
Ito rin ay naayon sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na suportahan ang mga aktibidad sa kabuhayan ng mga magsasaka.
At para lumikha rin ng kanilang mga alternatibong mapagkukunan ng kita.