National News
Ilang mga bansa, interesado sa nickel industry ng Pilipinas
Interesado ang ilang mga bansa na makipag-ugnayan sa Pilipinas hinggil sa pagmimina lalong-lalo na sa nickel.
Kung mapapansin, ang nickel ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Loyzaga ay key component o pangunahing kinakailangan para sa produksyon ng mga battery na ginagamit sa electric vehicles.
Ang Australia, Britain, Canada, European Union, United States at China ang iilan sa mga bansa na interesado dito.
Sa datos, mula sa 2 nickel processing plants ay nasa 35.14-M dry metric tons ng nickel ore ang nagawa ng Pilipinas noong nakaraang taon.
