Connect with us

Ilang motororista na dumaan sa bus lane, nasampolan sa unang araw ng pagpataw ng mas mataas na multa

Ilang motororista na dumaan sa bus lane, nasampolan sa unang araw ng pagpataw ng mas mataas na multa

Metro News

Ilang motororista na dumaan sa bus lane, nasampolan sa unang araw ng pagpataw ng mas mataas na multa

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Romando Artes ang operasyon ng MMDA laban sa mga motoristang iligal na dumadaan sa EDSA bus lane ngayong Lunes ng umaga, ika-13 ng Nobyembre.

Ngayon ang unang araw ng pagpapatupad ng mas mabigat na parusa laban sa mga bus lane violators.

Ikinasa ng MMDA ang kanilang operasyon sa SM Megamall Northbound, sa Baliwag Transit sa Cubao Northbound, at sa Magallanes patungong Taft Avenue sa Pasay City.

Marami-rami na rin ang nasampolan ngayong umaga kabilang na ang mga government vehicles na hindi naman tumutugon sa emergency.

Mula P1-K, nasa P5-K na ang multa para sa unang paglabag ng bus lane ordinance.

P10-K naman at 1 buwang suspension ng lisensiya, at sasailalim sa seminar para sa 2nd offense.

Pagmumultahin ng P20-K at 1 taong suspension ng lisensiya para sa 3rd offense habang P30-K at tuluyang pagkansela naman ng lisensiya para sa 4th offense.

Ayon naman kay Artes, na ang mga motoristang tatakas sa traffic violation dahil sa pagdaan sa bus lane ay papatawan ng 3rd offense violation.

Ibig sabihin pagmumultahin ang naturang motorista ng P20-K at 1 taong suspension ng lisensiya.

More in Metro News

Latest News

To Top