Connect with us

Ilang ospital, nagsasara na dahil walang health workers na pumapasok

Senior citizen na tinanggihang i-admit ng ospital, namatay

COVID-19 UPDATES

Ilang ospital, nagsasara na dahil walang health workers na pumapasok

Nagsasara na ang ilang ospital sa Metro Manila dahil marami sa kanilang mga health workers ay hindi na pumapasok dahil walang masakyan.

Ito ang kadalasang isinusumbong ngayon sa tanggapan ni Senator Francis Pangilinan.

Dagdag pa ng senador na marami pa ring naii-stranded na mga trabahante sa palengke, grocery, botika, gas stations, tanggapan ng gobyerno at iba pang vital establishments.

Ito ay dahil suspendido ang public mass transport na alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang community quarantine sa buong Luzon.

Kaya naman panawagan ngayon ni Pangilinan na maglaan ang gobyerno ng mga service vehicles sa mga magdu-duty pa ring mga health workers at ilang front liners dahil hindi lahat sa kanila ay may pribadong sasakyan.

Giit pa ni Pangilinan na lalala lang ang sitwasyon kung pati ang mga health workers ay hindi na rin makakapasok sa mga ospital.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top