Connect with us

Ilang personalidad, nahagip sa CCTV footage kung saan idinaan ang nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Batangas – PNP

Ilang personalidad, nahagip sa CCTV footage kung saan idinaan ang nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Batangas – PNP

Regional

Ilang personalidad, nahagip sa CCTV footage kung saan idinaan ang nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Batangas – PNP

Nasa kamay na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kopya ng CCTV footage kung saan makikita ang ilan umanong personalidad na posibleng may kinalaman sa nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas nitong nakaraang buwan.

Bagamat limitado pa sa impormasyon ang PNP, sinabing malaking development ito dahil kuhang-kuha ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari habang ibinibiyahe ang shabu mula sa Nasugbu hangang sa Barangay Alitagtag.

Sa ngayon, dinu-dokumento na raw ng mga imbestigador ang bawat pangyayari sa gitna ng kanilang ginagawang backtracking sa naturang CCTV footages.

Kasabay nito ang muling pakiusap na hanggang dito nalang muna ang maibibigay nilang datos dahil sa nagpapatuloy nilang imbestigasyon

“May mga nakita doon na personalities but again I hope you understand that I am not at liberty for now to reveal more information as well as doon sa mga CCTV footages na nakuha natin during the backtracking ng CCTV footages from Nasugbu papunta sa Alitagtag,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Samantala, sumailalim na sa DNA examination ang narekober na mga bote sa loob ng 2 sasakyang inabandona sa magkahiwalay na lugar sa San Luis, Pampanga na diumano’y sangkot sa P9.6-B drug haul sa Batangas.

Batay sa pagpapaliwanag ng PNP, ang 2 sasakyan ay nakitang kasama ng Foton van na may kargang 1.4 tonelada ng shabu bago ito naharang sa police checkpoint sa Brgy. Alitagtag.

“May mga nakuha doon na mga botelya at ngayon ay sumasailalim sa DNA examination to establish ‘yung mga possible identities ng mga taong sumakay doon sa 2 sasakyan na inabandona na meron association or involvement doon sa nasabat na illegal drugs sa Alitagtag,” dagdag pa nito.

Batay naman sa pakikipag-ugnayan ng PNP sa highway patrol group katuwang ang Land Transportation Office ay lumabas na nag-match ang may ari ng land cruiser sa mga dokumentong nakuha sa loob ng sasakyan na isa rin sa mga itinuturing na persons of interest.

“Base sa investigation ng HPG Calabarzon ay nag-match ‘yung mga nakuhang dokumento sa loob ng sasakyan at bases sa ating verification sa LTO ay lumalabas na ito pong Land Cruiser na black ay pagmamay-ari, nakapangalan sa isa sa mga persons of interest natin at kung mapapansin niyo ‘yung nakuhanan siya ng footage noong dumaan sila sa Batangas ay nakalagay doon ‘yung totoong plaka niyan,” ani Fajardo.

Nabatid na ang black Land Cruiser na nakita sa CCTV ay may plakang NEJ 3399 ay pinalitan ng plate number ng GAC 7890 nang matagpuan sa parking lot ng sementeryo sa Barangay Sta. Lucia, San Luis, Pampanga habang ang white Ford Explorer naman na may plakang BMK 77 ay pinalitan ng plate number na CAX 1547 nang makita naman ito sa isang parking lot ng sabungan sa kaparehong bayan.

Samantala, wala pang malinaw na detalye ang PNP kung hanggang kailan nila tatapusin o matutunton ang mga indibidwal na ginamit para makapasok ang malaking droga sa bansa.

Sa ngayon, tanging 1 suspek palang ang nasa kustodiya nila kung saan kasalukuyan rin itong sentro ng kontrobersiya matapos na itago ng PNP ang pagkakakilanlan nito sa di malamang dahilan.

Batay sa limitadong impormasyon, ang suspek ay kinilalang si Al Michael Zarate na isang ex-marine sa Estados Unidos na nakapagtayo ng negosyo dito sa Pilipinas.

More in Regional

Latest News

To Top