Connect with us

Ilang senador, pabor na amyendahan ang EPIRA Law

Ilang senador, pabor na amyendahan ang EPIRA Law

National News

Ilang senador, pabor na amyendahan ang EPIRA Law

Inihayag ng 2 miyembro ng Senate Minority Block ang kanilang suporta upang amyendahan ang Repuclic Act 9136 o ang Electric Power Industry Act (EPIRA).

Sinabi ni Senate Minority Leader Senator Aquilino Pimentel III na sinusuportahan niya ang pag-amyenda sa EPIRA upang mabawasan ang pasakit sa mga power consumers.

Samantala, iminungkahi naman ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapatupad ng mas malinaw na patakaran laban sa “cross-ownership” sa sektor ng enerhiya kapag inamyendahan na ang EPIRA.

Minamandato ng EPIRA ang Energy Regulatory Commission (ERC) na isulong ang kompetisyon, market development, siguruhin ang consumer choice at parusahan ang pag-abuso sa market power sa electricity industry.

Nangako naman si Senator Raffy Tulfo na siya ring chair of the Committee on Energy na magsasagawa ito ng pagdinig sa lalong madaling panahon upang pag-usapan at solusyunan ang madalas na pagkawala ng kuryente na nararanasan ng mga electric consumer sa probinsya.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top