Connect with us

Ilang Transports Group, magsasagawa ng 3 araw na tigil pasada simula ngayong Lunes

Ilang Transports Group, magsasagawa ng 3 araw na tigil pasada simula ngayong Lunes

National News

Ilang Transports Group, magsasagawa ng 3 araw na tigil pasada simula ngayong Lunes

Magsasagawa ng 3 araw na tigil pasada ang grupong Manibela simula ngayong araw ng Lunes.

Magsisimula ito mula alas-10 – 12.

Ito ay bilang pagprotesta nila sa ginagawang panghuhuli ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga unconsolidated na jeepney.

Ayon sa naturang grupo, 3 araw na strike ang kanilang gagawin kaya asahan na umano na kulang ang masasakyan ng taumbayan sa nakatakdang tigil-pasada.

Nakasentro naman sa Metro Manila ang kanilang gagawing protesta.

Posible naman aniyang hindi maapektuhan ang Makati at Mandaluyong sa gagawing protesta.

Ayaw naman umano nila itong gawin dahil mahihirapan ang mga kababayan nating commuters lalo na ngayong tag-ulan, ngunit nais umano nilang iparamdam at pasinungalingan na ang sinasabi umano ni Transportation Secretary Jaime Bautista na 81% ng mga PUV operators at drivers ay nakapag-consolidate na.

More in National News

Latest News

To Top