Connect with us

Ilang vendor sa Divisoria market, walang permit – Manila LGU

Ilang vendor sa Divisoria market, walang permit – Manila LGU

National News

Ilang vendor sa Divisoria market, walang permit – Manila LGU

Walang business permit ang ilang mga vendor at stall holders sa Divisoria market.

Ito ang inihayag ng Manila City Administrator na si Mr. Felix Espiritu sa panayam ng Sonshine Radio.

Nilinaw ni Espiritu na hindi pinaaalis sa Divisoria ang mga vendor ngunit dapat silang tumupad sa batas.

“Nag-ooperate sila ng kanilang tindahan ng walang business permit that’s why we issued closure order to those stall holders who are not in possesion of a business permit which is being prohibited anywhere in the Philippines. Hindi sila inaalis, hindi sila tinatanggalan ng hanap-buhay,” ani Espiritu.

Sinabi ni Espiritu na hindi lamang Divisoria ang ini-inspeksyon kundi lahat ng mga tindahan sa lungsod ng Maynila kung saan ang isang tindahan na walang permit ay isasara.

Papayagan naman ng lungsod ng Maynila na muli magbukas ilang tindahan sa Divisoria kung makaka-secure na ang mga ito ng permit.

“After closing them down, they are given proper time to secure their permits. After they secure their permits, they can open their businesses. Kailangan lang sumunod sila sa patakaran ng pamahalaan,” dagdag pa nito.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top