Connect with us

Illegal drug users sa buong mundo, 300-M na – UN

Illegal drug users sa buong mundo, 300-M na – UN

National News

Illegal drug users sa buong mundo, 300-M na – UN

Tinatayang halos 300 katao ang gumagamit ng iligal na droga sa buong mundo.

Sa World Drug Report 2024 ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang 292-M  na illegal drug users noong 2022 ay katumbas ng 20% na pagtaas sa loob ng 10 taon.

Batay rin sa report, ang cannabis ang pinakaginagamit ng karamihan at sinundan ito ng opioids.

Sa 64-M katao rin na may drug use disorders, nasa 1 sa bawat 11 lang ang sumailalim sa medical treatment.

Madalas pa na mga babae ang hindi sumasailalim sa medical treatment kumpara sa mga lalaki.

Samantala, sa 2.7-M na inuusig kaugnay sa drug violations, nasa 1.6-M ang nahatulan sa buong mundo noong 2022 ayon sa United Nations (UN).

More in National News

Latest News

To Top