Connect with us

Imbakan ng armas ng komunistang grupo sa Bukidnon, nakubkob ng 10th Infantry Division

Imbakan ng armas ng komunistang grupo sa Bukidnon, nakubkob ng 10th Infantry Division

Regional

Imbakan ng armas ng komunistang grupo sa Bukidnon, nakubkob ng 10th Infantry Division

Nadiskubre ng 1003rd sa ilalim ng 10th Infantry Division ang lugar kung saan itinago ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF ang kanilang mga armas.

Sa pamamagitan ng impormasyon mula sa mga residente natunton ng 1003rd Infantry Brigade sa ilalim ng 10th Infantry Division ang lugar kung saan itinago ng komunistang CPP-NPA-NDF ang kanilang armas sa Brgy. Lumintao, Quezon Bukidnon.

Nakuha ng mga otoridad  sa lugar ang 14 na assorted high-powered firearms kabilang ang 8 M16A1 rifles, 1 M653 rifle, 2 M14 rifles at 3 AK-47 rifles, bala, magazines at 1 hand grenade.

Ang nasabing mga armas ay galing sa humihinang puwersa ng Guerilla Front na Southern Mindanao Regional Committee.

Ayon kay 1003rd Infantry Brigade Commander BGen Marion Angcao ang nakumpiskang mga armas ay malaking tulong upang hindi na sila makapaminsala sa komunidad at tanda rin ito na malapit na ang kanilang katapusan.

More in Regional

Latest News

To Top