Connect with us

Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng Duterte admin, ‘politically motivated’ – Sen. Bato

Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng Duterte administration, ‘politically motivated’ – Sen. Bato

National News

Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng Duterte admin, ‘politically motivated’ – Sen. Bato

Muling iginiit ni Senador Bato dela Rosa na hindi siya makikiisa sa human rights investigation ng International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Sa nagdaang linggo ay pinagkokomento ng ICC hanggang ika-8 ng Setyembre ang kasalukuyang administrasyon  sa planong muling imbestigahan ang anila’y crime against humanity na ginawa ng dating  Duterte administration.

“That’s an insult to our courts. ‘Di ba mainsulto ang Supreme Court diyan na makialam sila na buhay na buhay ang ating Supreme Court? Gumagana naman eh ‘di ba? From the outset, they don’t have jurisdiction over us dahil hindi na nga tayo miyembro. Bakit sila insisting na makialam dito,” ani Sen. Dela Rosa.

Si Dela Rosa, dating PNP chief na nanguna sa Oplan Tokhang bilang bahagi ng war on drugs ng Duterte administration, ay naniniwala na politika ang nasa likod ng ginagawa ng ICC.

Sa imbestigasyon, number 2 accused si Dela Rosa sa kaso ng umano’y human rights violations.

“Alam mo, it’s…nagiging politically-motivated na ‘yung ginagawa nilang ‘yun eh. Nakikialam sila sa politics ng bansa natin dahil nakikinig sila sa false reporting nung mga kalaban ng Duterte administration sa pulitika,” dagdag pa ng senador.

Ang pahayag ni Senator Bato ay suportado naman ni Senador Robin Padilla. Naniniwala si Padilla na oposisyon ng dating Duterte administyration ang nagpapagalaw sa ICC.

“Sigurado naman oposisyon ang nagdala doon eh. Ano naman sasabihin ng oposisyon ‘di ba para sa’kin walang pinakamaganda sa lahat kundi kumuha sila ng mga tao talaga na nakakaalam kung ano talaga ‘yung drugs sa Pilipinas,” ani Sen. Padilla.

September 2021, inumpisahan ng ICC ang imbestigasyon sa war on drugs ng pamahalaan, ngunit ito ay nasuspinde makalipas ang 2 buwan. Pero sa nagdaang buwan ng Hunyo ay muli naman itong pinabubuksan.

Kaugnay nito ay sinabi naman ni Senador Bong Go na dapat ay tigilan na ng ICC ang pagpapalaki sa isyu sa human rights.

“ICC should stop weaponizing the human rights issue and the international community should instead extend all necessary assistance to vibrant democracies, such as ours, trying to overcome the scourge of illegal drugs, in itself a threat to our own national security,” pahayag naman ni Sen. Go.

Sa pahayag ng mga senador ay malinaw na ayaw nila sa pangingialam ng ICC pero kanila namang nilinaw na ipauubaya na lang nila sa kasalukuyang administratsyong Marcos ang pasya.

More in National News

Latest News

To Top