Connect with us

Imbestigasyon ng SC sa mga kasabwat sa POGO, nagpapatuloy

Imbestigasyon ng SC sa mga kasabwat sa POGO, nagpapatuloy

National News

Imbestigasyon ng SC sa mga kasabwat sa POGO, nagpapatuloy

Kinumpirma ng Korte Suprema na patuloy ang masusing review ng Supreme Court En Banc sa preliminary report na isinumite ng Office of the Court Administrator kaugnay sa umano’y impluwensya ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ilang mga kawani ng hudikatura.

Kaugnay nito, sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na bukas ang Korte Suprema na makipag-ugnayan kay Senator Sherwin Gatchalian para makatulong sa pag-imbestiga sa hinihinalang ugnayan ng judiciary officials sa mga kawani ng POGO.

Sinabi ni Gatchalian na posibleng may mga koneksyon ang ilang taong sangkot sa illegal POGO operators sa hudikatura dahil nakakatakas ang mga POGO workers bago pa man isagawa ang raid.

Matatandaan na sa ginawang pagsalakay  sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan, sa halip na 1-K trabahador ay mahigit 100 lang ang naaresto dahil hinihinalang nakatanggap ng tip ang illegal POGO operator sa isasagawang raid sa pasilidad.

More in National News

Latest News

To Top