Connect with us

Imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon vs. Pharmally, tatapusin na

Inihayag ni Sen. Richard Gordon na malapit na nitong tapusin ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon kaugnay sa mga isyu sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Metro News

Aniya maaring isang hearing na lang ang natitira o ang gagawin ng Senate Blue Ribbon kaugnay dito.

Inihahanda na rin aniya nito ang kaniyang final report mula sa 17 pagdinig na ginawa ng kaniyang komite.

Matatandaang ginawa ng Blue Ribbon ang naturang pagdinig kasunod ng initial COA Report sa pondo ng DOH.

Samantala, una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magbayad ang Pharmally ng kanilang taxes o kaya’y mahaharap sila sa pagkakakulong dahil sa tax evasion kung mapapatunayan na mayroon itong paglabag.

Kasunod ito sa umano’y may mga tao sa pharmally na hindi nagbabayad ng taxes.

Ipinunto naman ng pangulo na walang korapsyon na sinabi ang Commission On Audit sa umanoy deficiencies sa COVID-19 funds na pinamamahalaan ng Department of Health.

More in Metro News

Latest News

To Top