Connect with us

Imbestigasyon sa BuCor, tututukan na ng DOJ

Imbestigasyon sa BuCor, tututukan na ng DOJ

National News

Imbestigasyon sa BuCor, tututukan na ng DOJ

Tututukan ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa loob ng mga kulungan sa bansa.

Ito ay dahil sa pagtutulungan ng DOJ, University of the Philippines (UP) – College of Medicine at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para sa proseso ng imbestigasyon sa pagkasawi ng mga PDL na nasa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na malaking tulong ito para masigurong nabibigyan ng hustisya at nirerespeto ang mga pumanaw na PDL.

Sa ilalim ng deklarasyon, kailangang masunod ang UN Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners (SMRs) na layong makasunod sa international standards.

Ang UP ang naatasang magsagawa ng autopsy sa mga labi ng pumanaw na PDL habang ang UNODC ang magbibigay ng technical assistance at suporta para masigurong maayos ang mga proseso.

More in National News

Latest News

To Top