Connect with us

Imbestigasyon sa franchise violations ng ABS-CBN, nais buksan ni Cavite Rep. Barzaga

Imbestigasyon sa franchise violations ng ABS-CBN, nais buksan ni Cavite Rep. Barzaga

National News

Imbestigasyon sa franchise violations ng ABS-CBN, nais buksan ni Cavite Rep. Barzaga

Nais ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na buksan muli ng ang imbestigasyon ng franchise violations ng ABS-CBN.

Ayon kay Barzaga, nais niyang malaman ngayon kung sumusunod na ba sa batas ang kapamilya network o nagpapatuloy itong lumalabag o umiiwas dito.

Matatandaang nais makipag-merge ng ABS-CBN sa TV5 upang makabenepisyo sa prangkisa ng TV5 ngunit binawi lang din nila ito matapos sinabi ng mga mambabatas na imbestigahan nila ang merger na gagawin.

Kasunod nito ay nakipagkasundo na naman ang ABS-CBN sa pagitan ng international cable channels na discovery asia at asian food network.

Wala namang nakikitang problema dito si Barzaga.

Naniniwala si Barzaga na sakaling mabuksan muli ang isyu ng ABS-CBN, makakabenepisyo sila dito lalong-lalo na’t bukas si Pangulong Bongbong Marcos na bigyan sila ulit ng prangkisa basta’t wala na itong mga paglabag.

More in National News

Latest News

To Top