Connect with us

Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO

Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO

National News

Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO

Nanumpa ang singer na si Imelda Papin bilang bagong acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong araw ng Martes, ika-4 ng Hunyo.

Ayon kay Papin, nagpapasalamat siya sa tiwalang administrasyong Marcos sa kanya.

“Ito po ay continuation ng aking ginagawa. Noon pa man din before napunta ako sa politika. At noong nasa politika na po ako, ako’y tumutulong na talaga. Kaya nasa puso ko po ang pagtulong. Tamang tama po ang posisyon ko dito,” ayon kay PCSO Board of Directors, Acting Member, Imelda Papin.

Sabi ni Papin, ipapanukala niya ang programang “Isang Linggong Serbisyo” para makatulong ang PCSO sa mas maraming Pilipino.

“Sa observation ko noong naging vice governor ako and until now, ‘yung mga humihingi ng tulong pagdating ng Sabado at Linggo ay walang mapuntahan po sila. So, I will proposed ito the Board, but I mentioned it to the president,” saad pa nito.

Sa kabila ng kaniyang bagong tungkulin sa PCSO, tiniyak naman ni Papin na magpapatuloy pa rin ang kanyang singing career, maging ang posibilidad ng pagkakaroon ng concert.

Maliban diyan ay magpapatuloy din daw ang block screening ng pelikula niyang Imelda Papin: The Untold Story.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top