National News
Impeachment kay VP Sara, political suicide ng administrasyon
Magulong bansa ang kahihinatnan sakaling magawang maipa-impeach ng Kongreso si Vice President Sara Duterte.
Ayon ito kay Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez.
Sa kanyang paliwanag, totoong may kakayahan ang 300 kongresista na mapatalsik ang pangalawang pangulo subalit maaaring magiging mitsa ito sa pagkakaroon muli ng rebolusyon gaya noong 1986 sa EDSA.
Lalo na aniya at 32M na mga Pilipino ang bumoto kay VP Sara.