Connect with us

Impeachment vs. VP Sara, tinatantiya lang ng kalaban – dating tagapagsalita ng pangulo

Impeachment vs. VP Sara, tinatantiya lang ng kalaban – dating tagapagsalita ng pangulo

National News

Impeachment vs. VP Sara, tinatantiya lang ng kalaban – dating tagapagsalita ng pangulo

Tinatantiya lang ng kalaban ni Vice President Sara Duterte ang umano’y pagsusulong ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kanyang programa sa SMNI News.

Ani Roque, ito ay dahil tinitingnan pa rin aniya ng mga ito kung ano ang magiging reaksyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa usaping ito.

Matatandaan na magkatandem sina VP Sara at PBBM bilang UniTeam noong 2022 Elections.

Nauna nang napabalita ang umanoy planong paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Sara sa Kamara na mariing pinabulaanan naman ni House Majority Leader Mannix Dalipe kung saan tinawag pa itong isang “baseless” na balita.

Naniniwala naman si Roque na hindi papayagan ni PBBM na ma-impeach si VP Sara.

Pero aniya, kung mangyari mang matanggal sa pwesto ang pangalawang pangulo ay mistulang na ring walang isang salita si PBBM dahil nangako ito ng pagkakaisa noong panahon ng kampanya.

More in National News

Latest News

To Top