Connect with us

Implementasyon ng cashless toll collection, ‘di na muna itutuloy

Implementasyon ng cashless toll collection, 'di na muna itutuloy

National News

Implementasyon ng cashless toll collection, ‘di na muna itutuloy

Hindi na muna itutuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang full implementation ng cashless toll collections.

Matatandaan na imbis noong Agosto 31, 2024 ipatupad ang full cashless toll collections ay inilipat ito sa Oktubre 1.

Ngayon, ang Oktubre 1 schedule ay hindi na rin matutuloy ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa pahayag ni DOTr Sec. Jaime Bautista, posibleng sa Enero 2025 na ito maipatutupad maliban sa nakalakip na penalties dito.

Noong nakaraan ay ipinanawagan na ng Kamara sa DOTr na isuspinde na muna ang implementasyon ng full cashless toll collections.

Ito’y hanggang lahat ng problema sa electronic toll collection (ETC) ay maisaayos.

More in National News

Latest News

To Top